Ang Chicago Transit Authority ay nakatuon sa pagbibigay ng walang diskriminasyong serbisyo at pagtiyak na walang sinuman ang hindi makikibahagi sa, pagkakaitan ng mga benepisyo ng, o kaya’y makakaranas ng diskriminasyon sa ilalim ng mga programa, serbisyo o aktibidad ng CTA batay sa lahi, kulay o bansang pinagmulan, na protektado ng Title VI ng Civil Rights Act ng 1964.
Ipinagbabawal din ng CTA ang diskriminasyon batay sa kasarian, relihiyon, edad, kapansanan, oryentasyong sekswal, o anumang iba pang protektadong katayuan na inilarawan sa naaangkop na pederal,
pang-estado o lokal na batas.
Ang sinumang mananakay na nangangailangan ng tulong sa wika, naghahanap ng higit pang impormasyon sa mga obligasyon na walang diskriminasyon ng CTA o nais maghain ng reklamo ng diskriminasyon ay maaaring bumisita sa transitchicago.com/title6 o makipag-ugnayan sa Customer Service sa [email protected] o sa pagtawag sa 1-888-YOUR-CTA (o sa 711 relay para sa tulong sa mga bingi o may mahinang pandinig).
Maaari ring maghain ng reklamo sa Tanggapan ng Mga Karapatang Sibil ng Pederal na Pangasiwaan ng Transportasyon (Federal Transit Administration’s Office of Civil Rights). Ang kanilang punong tanggapan ay matatagpuan sa 1200 New Jersey Ave, SE, Washington D.C. 20590 at ang rehiyonal na tanggapan ay nasa 200 West Adams Street, Suite 320, Chicago, IL 60606.
Pagsasampa ng Reklamo
Ang sinumang naniniwala na may diskriminasyon ang CTA sa kanya dahil sa lahi, kulay, o bansang pinagmulan ay maaaring magsampa ng Title VI na reklamo. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkumpleto at pagsusumite ng Title VI Complaint Form ng CTA sa CTA’s Equal Employment Opportunity Unit (“EEO Unit”) sa pamamagitan ng e-mail o pagpapadala sa adres na nakasaad sa form, o pagtawag sa Diversity Hotline sa 312-681-2610. Mag-click sa nakalakip na link upang ma-access ang Title VI Complaint Form.
Hinihikayat ang mga kustomer na maghain o mag-ulat ng reklamo sa loob ng (30) tatlumpung araw ng kalendaryo mula sa sinasabing diskriminasyon. Ang hindi pagsumite ng nakumpletong Title VI Complaint Form sa EEO Unit sa loob ng 180 araw mula sa sinasabing diskriminasyon ay maaaring magresulta sa Administratibong Pagsasara ng reklamo.
Inisyal na pagsusuri ng isang Reklamo
Kapag ang CTA’s EEO Unit ay nakatanggap ng Title VI Complaint Form na isinumite alinsunod sa nasabing proseso, susuriin nito ang reklamo para malaman kung ito ay tumutukoy sa isang potensyal na paglabag sa Title VI.
Kung matukoy ng EEO Unit na kailangan ng karagdagang impormasyon para maisagawa ang inisyal na pagsusuri, makikipag-ugnayan ito sa kustomer. Ang kustomer ay bibigyan ng sapat na panahon upang ibigay ang hinihiling na impormasyon. Kung hindi ibibigay ng kustomer ang hinihiling na impormasyon, hindi na gustong ipagpatuloy ang bagay na ito, o kaya’y hindi siya tumutugon, ang reklamo ay maaaring administratibong isara ng EEO Unit.
Sa pagtatapos ng inisyal na pagsusuri ng EEO Unit sa reklamo, ang kustomer ay makakatanggap ng Acknowledgement Letter. Ang liham na ito ay magsasaad ng mga resulta ng inisyal na pagsusuri ng EEO Unit sa reklamo tungkol sa kung may posibleng naganap na paglabag sa Title VI. Kung matukoy na walang naganap na paglabag sa Title VI, ang reklamo ay Administratibong Isasara. Kung matukoy na may naganap na paglabag sa Title VI, ang EEO Unit ay magpapatuloy sa pagsisiyasat sa reklamo.
Pagsisiyasat ng isang Reklamo at Proseso ng Panloob na Apela
Sa pagtatapos ng pagsisiyasat ng EEO Unit sa isang potensyal na paglabag sa Title VI, ang kustomer ay makakatanggap ng Determination Letter. Ang liham na ito ay magsasaad ng kinalabasan ng pagsisiyasat at magpapahiwatig kung naganap o hindi ang isang paglabag.
Kung nais ng kustomer na iapela ang mga pagpapasya ng EEO Unit, maaaring humiling ang kustomer ng apela sa Title VI Appeals Committee ng CTA sa pamamagitan ng pagkumpleto at pagsusumite ng Title VI Appeal Form sa adres o e-mail address na nasa dokumento. Ang mga apela sa Title VI ay dapat na ihain sa loob ng labinlimang (15) araw ng negosyo mula sa petsa ng Determination Letter. Ang Title VI Appeals Committee ay hindi isasaalang-alang ang anumang bagong ebidensya o muling mag-iimbestiga ng isang reklamo. Susuriin ng Title VI Appeals Committee ang pagsisiyasat at magkakaroon ng konklusyon tungkol sa mga natuklasan sa loob ng tatlumpung (30) araw ng negosyo.
Pagsasampa ng Reklamo sa U.S. Department of Transportation
Bukod sa mga karapatan ng mga kustomer na magsampa ng reklamo sa CTA, ang mga customer ay may karapatan ding maghain ng Title VI na reklamo sa U.S. Department of Transportation, Federal Transit Administration’s Office of Civil Rights. Ang opisina ng punong-tanggapan ay matatagpuan sa 1200 New Jersey Ave, SE, Washington D.C. 20590, at ang tanggapang panrehiyon ay matatagpuan sa 200 West Adams Street, Suite 320, Chicago, IL 60606.
Kung ang isang kustomer ay nagsampa ng Title VI na reklamo sa CTA’s EEO Unit at nagsampa din ng reklamo tungkol sa parehong bagay sa isang ahensya o hukuman sa labas, ititigil ng EEO Unit ang pagsisiyasat nito sa bagay na ito.